329 sundalo aalalay sa eleksiyon sa Metro Manila


MANILA, Philippines — Umaabot sa 329 tauhan ng Philippine Army ang minobilisa nitong Sabado bilang bahagi ng contingency at standby force sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng halalan sa Lunes, Mayo 12.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Louie Dema-ala, ang contingency force ay kinabibilangan ng tropa ng Civil Disturbance Ma­nagement (CDM), k9 Ex­plosive Ordnance Dis­posal (EOD), Medical and Chemical, Biological, Ra­diological and Nuclear (CBRN) teams.

Nasa 31 assets din tulad ng mga military trucks at ambulances ang naka-standby. Isinailalim naman sa blue alert ang Philippine Army Emergency Res­ponse Companies (ERCs) simula Mayo 11-14, 2025 upang tumugon sa anumang emergency sa pa­nahon ng eleksiyon.

Una nang nagdeploy ang Philippine Army Major Units ng 23,591 personnel para gumanap ng election duties sa buong bansa habang nasa 21, 509 ang inilagay sa standby alert simula pa Mayo 9.

“We are committed to maintaining national stability by continuing our operations against threat groups while also assisting with the transport of poll materials and ensu­ring the safety of election per­sonnel,” pagtiyak ni Army Chief Lt. Gen Roy Galido.