MANILA, Philippines — Nagsagawa ng makulay at masiglang motorcade sa Lungsod ng Maynila ang ATeacher Partylist na kung saan ay naghayag ng buong suporta ang halos lahat ng mga barangay chairman at lokal na opisyal para sa nominadong si Virginia Rodriguez sa darating na May 12 elections.
Ang ATeacher Partylist na nangunguna ngayon sa kasalukuyang mga poll surveys ay umiikot sa iba’t ibang siyudad sa bansa upang personal na ihatid sa mamamayan ang mga programang tunay na nakakatulong sa bawat Filipino na hindi humihingi ng kapalit.
Buong pusong nagpapasalamat naman si Ms. Rodriguez sa ipinakitang pagsuporta sa ATeacher partylist ng mga barangay chairman at ng mga Manileño sa pamamagitan ng pag boto nito bilang kinatawan ng mga maliliit na mamamayan tulad ng mga guro, estudyante, magsasaka, at ordinaryong tao.
Tiniyak naman ni Ms. Rodriguez na makakaabot sa kanila ang mga ipinangako nito na walang Pilipinong magugutom.