Atake sa puso, no.1 killer sa Pinas noong 2024 — PSA


MANILA, Philippines — Nananatiling na­ngunguna ang coronary heart disease sa ugat ng kamatayan sa Pilipinas noong 2024, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang ­coronary heart diseases ay nagtala ng 96,049 kaso o nasa 19.3 percent ng mga namatay sa Pilipinas mula ­Enero hanggang November 2024 habang ikalawang dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy ay ang sakit na neoplasms na may 55,105 kaso o nasa 11.1 percent ang nasawi sa kaparehong period.

Ang neoplasms ay ang abnormal na paglaki ng tissue.

Ikatlong dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy ay ang cerebrovascular diseases o ang epekto ng kondisyon ng blood vessels sa utak na nasa 49,349 cases o 9.9% ng total deaths.

Kasunod ang pneumonia na may 33,040 cases o nasa 6.6% total deaths habang ang diabetes mellitus na may 31,321 deaths o 6.3% ay pumang-lima.