Paglimita sa consumer sa pagpili ng nicotine products inalmahan


MANILA, Philippines — Binatikos ng Vaper Ako, counterpart ng World Vapers’ Alliance (WVA), at Consumer Choice Philippines, ang itinutulak na prohibition policies ng World Health Organization (WHO) at Bloomberg Foundation upang limitahan at pigilan ang mga consumer sa pagpili ng paggamit ng nicotine products.

“Alienate smokers, deprive them of their rights to less harmful products and demonize the nicotine industry, which could fuel the underground market,” ayon kay Vaper Ako spokesman Joaqui Gallardo.

Idiniin ni Gallardo na ang paglaganap ng paninigarilyo sa Pilipinas ay tumaas sa mga nakaraang taon pagkatapos ng halos isang dekada ng kawalan ng aksyon.

Ang pagtaas ay kasunod ng paglaganap ng illegal na kalakalan ng vape, na may mga produktong ibinebenta sa mga presyong mas mababa kaysa sa mga legal na alternatibo dahil sa mataas na mga rate ng buwis.

Sinabi naman ni Adolph Ilas, chairman ng Consumer Choice Phi­lippines, na ang restrictive policies sa alternative products ay maaaring magpalala sa smoking epidemic.

Nanawagan si Ilas na tanggapin ang tobacco harm reduction bilang mas mabuting public health strategy para bigyang pansin ang global smoking problem.

“This is why it is important for consumers to be heard and become a part of the global discussion,” ani Ilas.