Is this true love? | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love, 

True love kaya itong nadarama ko? 

Ito ang itinatanong ko sa aking sarili tungkol sa guwapong binate na nakilala ko sa probinsya ng aking best friend. 

Isinama ako ng kaibigan ko na magbakasyon sa lalawigan nila ng isang linggo.

Mayroong isang guwapong binata roon na kinalolokohan ng maraming dalaga, kasama na ako. Guwapo siya, basketball player.

Ferds ang kanyang pangalan at nang makita ko siya ay nagka-crush agad ako.

Sa mga katangiang iyan, sino ba naman ang hindi hahanga at mai-in love?  Sa tuwing may liga ay kasama ko lagi ang tropa para panoorin siya. 

Nagtitilian kami kapag naglalaro siya.

Nagkaroon ako ng chance na makilala siya. Halos hindi na ako makatulog nang makamayan ko siya.  Balita ko walang hilig sa babae si Ferds at naka-focus lang sa pag-aaral. 

Ngunit sa porma ay lalaking-lalaki naman siya. Nasa Manila na ako pero siya pa rin ang laman ng isip ko.

Ano ang dapat kong gawin para mapansin at ligawan niya?

Melody 

Dear Melody,

Try to be friends with him pero huwag magpapakita ng motibo na may gusto ka sa kanya.

Priority lang marahil niya ang pag-aral kaya ayaw pang manligaw ni Ferds.  

Dapat igalang ang priorities niya.

Kung kayo ang nakatadhana para sa isa’t isa, tiyak na sa bandang huli ay kayo ang magkakatuluyan. Kung hindi man, may nakalaang mas magandang kapalaran sa iyo ang Diyos.

Dr. Love