Pangulong Marcos nagbanta sa congressional insertions


MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ibabalik ang anumang panukala sa ilalim ng general appropriations bill na hindi naka-align sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2026 National Budget.

Sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Batasan, Complex sinabi niya na para sa 2026 National Budget ay ibabalik niya ang anumang congressional insertions na hindi alinsunod  sa plano ng gobyerno.

“Threrefore, for the 2026 National Budget, I will return any proposed General Appropriations Bill that is not fully aligned with the National Expenditure Program,” ayon pa sa Pangulo.

Banta pa ni Marcos, gagawin niya ito kahit mauwi pa ito sa re-enacted budget.

“And further, I am willing to do this even if we end up with a re-enacted budget”, pahayag pa ng Pangulo.

Banta pa ng Pangulo, hindi niya aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod plano ng gobyerno.