Senado nagkasundo
MANILA, Philippines — Nagkasundo ang mga senador na sa Agosto 6, 2025 desisyunan ang Supreme Court ruling na nagdedeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, bibigyan ng sapat na panahon ang mga senador na aralin ang 97 pahinang SC decision, hindi pa kasama rito ang concurring at hiwalay na opinyon na inihain ng lima o anim sa mahistrado ng kataas-taasang hukuman.
Sinabi naman ni Senate Deputy Minority Leader Juan Miguel Zubiri na may isang senador ang nais agad na desisyunan ng Senado ang ruling ng SC kahapon pero pumayag na rin ito sa Agosto 6.
Naunang sinabi ni Escudero na sa tingin niya ay mas tama kung Senado ang magdedesisyon sa naging ruling ng Korte Suprema at hindi ang impeachment court.
Inamin naman ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na siya ang nag-suggest na Agosto 6 desisyunan ang ruling ng SC na nagsasabing unconstitutional ang Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente dahil sa paglabag sa one year bar rule.
