Abril 1, 2026 | Pilipino Star Ngayon


ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Walang nakakatiyak sa takbo ng panahon at ang tanging matibay na gabay sa bawat araw ay ang taimtim na pana-

langin. Huwag ibigay ang lubos na tiwala sa hindi gaanong kakilala para hindi ka magsisi sa huli. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 37, 40 at green. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) –  Isang Leo o Libra ang makapagbigay ng tulong kung magulo ang isip dahil sa problema sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 12, 22, 29, 33 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Malaking bagay ang magawa kung paglalabanan ang katamaran. Aksiyunan ang plano. Lucky numbers at color for the day ang 7, 22, 37, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) –  Nasa tamang landas ang kaunlaran, kaya huwag iwanan ang sinimulan. Dagdagan ang sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 14, 34 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – May mga problemang darating, kung hindi magiging emosyonal, madaling masosolu-

syunan. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 27, 41 at cream.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) –  Harapin ang katotohanan at hanapin ang pagbago. Nasa sariling gawa ang sitwasyon sa kasalukuyan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 19, 24 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Mabisa ang iyong pamamagitan lalo na kung may hindi nagkakaunawaan. Pagbatiin mo sila. Lucky numbers at color for the day ang 13, 32, 35, 37 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Nasa pagitan ka ng tama at mali. Ang mga bagay naisip ngayon ay dapat pag-aralan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 38, 39 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang magiging problema tungkol sa trabaho at maging sa tahanan, lalo na sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 30, 38 at aquamarine.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Malaki ang epekto ng mga tao sa paligid. May makakatulong, may makapagbibigay ng tuwa at galak. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 34, 36 at fuchsia.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Para hindi ka makapagdahilan kung bakit nahuli sa pagpasok dahil sa trapik, maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 41 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung pag-ibig o pinansyal ang gumugulo sa isip, iisantabi muna at harapin ang mga dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 39, 41 at ocean blue.