Abril 10, 2026 | Pilipino Star Ngayon


ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Sa mga nag-a-apply ng trabaho, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ano man ang pakay sa dapit-hapon, huwag ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 21, 36 at yellow green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – May kalutasan ang matagal nang gumugulo sa isip. Ang mabilis na pagkilos ang magliligtas sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 28, 36 at avocado green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Sa gawa at wala sa salita makikita ang tunay na pag-ibig. Kung tapat ang sui-tor, huwag nang pakawalan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 35 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Hindi sinasadyang may matutuklasang lihim, kung nakakatuwa, panahon lang ang makakapagsasabi. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kung may balak, ituloy. Pero kung kasamaan ito, huwag ga-win dahil mahuhuli o matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 24, 35 at pearl pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Sa tiyaga at sipag, tagumpay ang tatamasain. Sa mga ta-mad, kahirapan pa rin ang daranasin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 26, 36 at oak brown.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang ga-win. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 16, 32 at mint green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Madaling magpapaunlak ang kamag-anak. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 44 metallic gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Sariling sikap ka ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 23, 42 at garnet red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magdiwang dahil matatanggap ang gantimpala sa pagsunod sa magulang. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 38 at lemon green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kung ang hangad ay umunlad, simulan ang magsikap. Walang mapapala sa barkada. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 23, 33 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Mag-ingat dahil magiging lapitin ka ng mga mapagsamantala. Maiiwasan kung magiging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 16, 29, 36, 37 at sun yellow.