TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may napupusuan, alamin muna ang mga bagay tungkol sa kanya bago magpahayag ng tunay na damdamin. Maging praktikal at huwag maghangad ng labis na hindi kaya. Ang matagal nang gustong malaman ay malalaman ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 29, 35 at yellow.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Lahat ng bagay na sinimulan ay tiyak tatakbong maginhawa. May kasamahan na naghahangad ng iyong puwesto. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 23, 36 at sky blue.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag magtiwala na ipagkaloob ang responsibilidad sa ibang tao dahil magiging daan ito laban sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11, 17, 34, 45 at violet.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Makakatulong ng malaki ang payo ng matatanda para maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 21, 37, 43 at white.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May sasalungat sa binabalak subalit ang galing mo ang mangingibabaw. Maganda ang takbo ng pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 21, 39 at lavender.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ayon ang panahon para makipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari dahil kakampi ang panahon at katuwiran. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 25, 30 at mint green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Malakas ang ESP na magagamit sa paglutas ng sariling problema o suliranin ng iba. Nasa panig ang gawaing mental. Lucky numbers at color for the day ang 6, 13, 28, 31 at canary yellow.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magandang balita ang matatanggap mula sa malayong lugar na siyang magbibigay sigla. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 18, 24 at navy blue.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Marami ang dapat gawin, subalit may pagkalito na siyang dahilan ng pagkaalintana. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at jade green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Sa pagpahayag ng saloobin, mag-ingat sapagkat maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 17, 30 at fuchsia.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag magmadali sa hinahangad. Subalit kung may magandang pagkakataon, kilos kaagad at huwag pakawalan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 33, 36 at magenta.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Nasa tamang landas ang gustong makamit. Kaunting panahon lamang ang hihintayin at mapapasakamay ang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 7, 31 at maroon.