MANILA, Philippines — Itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang bilang acting Ombudsman si Justice Mariflor Punzalan-Castillo.
Si Punzalan ay nanumpa kahapon ng umaga kay Executive Secretary Lucas Bersamin kapalit ng nagretirong si Ombudsman Samuel Martires na nagretiro nitong Hulyo 27, 2025.
Sinabi ng kalihim na wala pang shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC) kaya nagtalaga muna ng Acting Ombudsman.
Matatandaan na kabilang sa mga nag-aambisyon sa binakanteng puwesto ni Martires ay si Department of Justice Jesus Crispin Remulla.
Habang mayroon namang 17 aplikante sa nabanggit na puwesto.