August 13, 2025 | 12:00am
LEO (Jul.23 — Aug.22) – Favorable ang paglalakbay sa malayo o malapit. Kung may nararamdaman sa katawan, panahon na para magpa-check up. Magpahinga at mag-relax at magiging masigla ka. Lucky numbers at color of the day ang 8, 17, 20, 32 at orange.
VIRGO (Aug.23 — Sept.23) – Kaya kung ano ang binabalak, huwag nang hintayin ang bukas. Kumilos ka, ngayon din. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 24, 30 at light blue.
LIBRA (Sept.24 — Oct.23) – Magandang balita dahil mapalad ka ngayon sa larangan ng pag-ibig. Angkin mo nga-yon ang lakas ng iyong ESP. Lucky numbers at color of the day ang 6, 24, 28, 34 at green.
SCORPIO (Oct.24 — Nov.22) – Isang Capricorn ang magbibigay ng hinanakit. Subalit kapwa Scorpio ang magpapangiti sa’yo. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 33, 40 at yellow.
SAGITTARIUS (Nov.23 — Dec.21) – Magiging masaya at maaliwalas ang araw mo ngayon. Mapapawi ang suliraning pangtahanan. Lucky numbers at color of the day ang 18, 26, 34, 39 at peach.
CAPRICORN (Dec.22 — Jan.19) – Magiging matalas ang kaisipan sa anumang bagay at ito ang iyong matibay na sandata. Ingatan ang health.Lucky numbers at color of the day ang 4, 8, 28, 30 at orange.
AQUARIUS (Jan.20 — Feb.18) – Maaaring may sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin, kaya ipagpaliban muna ang tungkol dito. Lucky numbers at color of the day ang 5, 10, 14, 22 at red rose.
PISCES (Feb.19 — Mar.20) – Mula sa mga karanasan, iwasan ang magkamaling muli at talikdan ang galamay ng tukso. Lucky numbers at color of the day ang 7, 25, 40, 42 at indigo.
ARIES (Mar.21 — Apr.19) – Isang Leo ang makakapagpainit ng iyong ulo kaya hangga’t maaari, iwasan siya nang pansamantala. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 22, 39 at white.
TAURUS (Apr.20 — May 20) – Sundin ang dikta ng isipan at hindi ng puso. Iwasan ang maging mapusok sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 6, 11, 13, 40 at silver gray.
GEMINI (May 21 — Jun.21) – Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa. Isaalangalang ang kaligtasan ng sarili. Lucky numbers at color of the day ang 2, 6, 20, 36 at green.
CANCER (Jun.22 — Jul.22) – Mapaghinala ang kasintahan o mahal kaya mag-ingat kung may itinatagong hindi dapat malaman. Lucky numbers at color of the day ang 8, 13, 26, 33 at beige.