August 20, 2025 | 12:00am
LEO (Jul.23 — Aug.22) — Ilang gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapapagod. Kung gugustuhin, maisasakatuparan ang balak. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili para lalong maging produktibo. Lucky numbers at color of the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.
VIRGO (Aug.23 — Sept.23) — Sa ayaw mo man o sa gusto, kailangan nang magsimulang kumilos.Balikan ang trabaho. Lucky numbers at co-lor of the day ang 3, 11, 34, 39 at lavender.
LIBRA (Sept.24 — Oct.23) — Hindi matatapos ang problema kung hindi ito haharapin at so-solusyunan. Gawin mo yan. Lucky numbers at color of the day ang 10, 20, 30, 40, at sapphire blue.
SCORPIO (Oct.24 — Nov.22) — Makakabuting magmasid muna, pag-aralan ang mga pangyayari at saka magpahayag ng sariling opinyon. Lucky numbers at color of the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.
SAGITTARIUS (Nov.23 — Dec.21) — Isipin na anuman ang mangyari, mananatiling matatag at hindi basta-basta susuko. Panatilihin ang positive mindset. Lucky numbers at color of the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.
CAPRICORN (Dec.22 — Jan.19) — Hindi masama ang magsaya pero huwag kalimutan na may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Lucky numbers at color of the day ang 18, 26, 30, 37 at golden yellow.
AQUARIUS (Jan.20 — Feb.18) — Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o mismong nasa harapan na. Gamitin ang mata. Lucky numbers at color of the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.
PISCES (Feb.19 — Mar.20) — Huwag magsimulang gumawa ng panibagong proyekto kung hindi rin lang tapos ang nasimulan. Lucky numbers at color of the day ang 5, 9, 18, 23 at red ruby.
ARIES (Mar.21 — Apr.19) — Naniniwala ang mga kasamahang sa magagawa mo. Mararamdaman mo ang kahalagahan mo. Lucky numbers at color of the day ang 21, 34, 40, 44 at golden brown.
TAURUS (Apr.20 — May 20) — Mahihirapan kung sasarilihin ang nalalaman. Humingi ka ng payo sa pinagkakatiwalaan. Lucky numbers at color of the day ang 7, 26, 31, 39 at baby pink.
GEMINI (May 21 — Jun.21) . Mahalagang malaman na dapat magpokus sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Lucky numbers at color of the day ang 7, 14, 21, 28 at maroon.
CANCER (Jun.22 — Jul.22) — Huwag piliting magawa ang lahat ng bagay ng sarili lamang ang kikilos. Minsan kailangan ang tulong ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.