Angkas, nakapagbigay ng trabaho sa higit 30K driver


Pilipino Star Ngayon

August 20, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang suporta ng Motorcycle Taxi company na Angkas para bawasan ang jobless sa bansa, nakapagbigay na ang kompanya ng higit 30 libong trabaho sa masisipag nitong drivers nationwide.

“For nearly a decade, Angkas has championed fair regulations and fought for the acceptance of motorcycle taxis as an essential part of the nation’s transportation system. Today, this advocacy is finally bearing fruit not only by securing tens of thousands of sustainable jobs, but also by supporting the millions of Filipino commuters who rely on Ang­kas every day for safe and efficient transport,” pahayag ng Angkas.

Ang pagkilala sa industriya ay nagbigay daan na maiangat ang serbisyo sa publiko habang pinaiigting ang kahalagahan ng kaligtasan, reliability at inclusivity na ang Angkas ay may paninindigan simula nang mailunsad ito noong taong 2016.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Ang­kas kay Transportation Secretary Vince Dizon dahil sa kanyang pamamahala sa sektor at pakikinig sa boses ng mga driver at pasahero.

“This milestone proves that when government, industry, and communities work together, mobility in the Philippines can become safer, fairer, and more inclusive for all,” ayon sa Angkas.