ATeacher ratings umangat uli sa survey


MANILA, Philippines — Muling umangat ang rating ng ATeacher partylist sa panibagong survey matapos bigyan ng parangal si nominee Virginia L. Rodriguez bilang distinguished Excellence in Agribusiness and Community Development Award ng Filipino Global Icon event sa Dusit Thani sa Dubai.

Ang Global Filipino Icon Awards 2025 na ginanap sa Dusit Thani Dubai, ay kinilala ang ilang mga huwarang Pilipino na ang kanilang mga kontribusyon at inspiradong kwento ng kanilang kahusayan, pamumuno, at paglilingkod ng Filipino sa bansa at ibang lugar.

Isinusulong ng ATeacher ang mga programang tunay na nakatuon sa serbisyo publiko, at hindi lang pangako kundi ito ay nakatuon sa pagpapatupad ng mga plano kapag nahalal sa Kongreso sa darating na midterm elections sa Mayo 12.

Sinabi ni Rodriguez na magpapatupad sila ng mga hakbangin na naglalayong makinabang ang mga Filipino community at kasama sa mga hakbangin ang libreng bitamina para maiwasan ang kanser at ang pagbibigay ng libreng pagkain sa lahat ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, at pamimigay ng pagkain sa mga senior citizens at mga barangay at mga terminal ng transportasyon, at pagbibigay ng karagdagang benepisyo para sa guro.