Ayaw tumibok ang puso | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love,

Nagtataka ako sa sarili ko, Dr. Love. Sa edad kong 28 ay hindi ko pa nararanasang ma-in-love.

Sigurado naman akong hindi ako gay.

Engaged ako sa maraming sports at matipuno ang aking katawan. Typical macho man at maraming nagkaka-crush. Head ako ng marketing department ng isang malaking kompanya at kahit sa office, maraming nagkakagusto sa akin.

Nagkaroon na rin ako ng mga flings, nakisama ko sa kanya and I felt the pleasure naman but not the feeling of love. I did it just because I want to feel the experience na naririnig ko sa aking mga kaibigan. But I can live without sex.

Sa ngayon ay may girlfriend ako na balak kong pakasalan not because I love her romantically kundi gusto ko ring magka-pamilya. She is a very good friend.

Honestly, I still need to feel ‘yung tinatawag na kilig factor. Tama bang mag-asawa ako na wala ang ganoong damdamin?

Maximus

Dear Maximus,

Hindi ko ma-define kung ano ang problema mo. Pero kung enjoy ka naman sa pakikipagtalik, hindi magiging problema kung mag-asawa ka man.

At least you will be able to fulfill your emotional obligation sa iyong asawa. Sex is only one small factor in a relationship pero importante pa rin.

Kung inaakala mong wala sa iyo ang romantic feelings, at least let the bond of friendship tie you and your wife to be. Minsan nga mas matibay pa iyan sa romantic love.

Dr. Love