August 25, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services (PAGASA) na posibleng maging tropical depression na tatawaging bagyong Jacinto.
“The Low Pressure Area (LPA) located inside the PAR is also being monitored and has a “high” potential of developing into a tropical depression within the next 24 hours,” saad ng weather bureau.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay namataan alas-3 ng madaling araw sa layong 445 km sa Hinatuan, Surigao del Sur na kung lalakas ay panibagong bagyo na naman kasunod ni Isang na lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Sabado ng umaga.
“Base sa mga pinakahuling datus ay may tsansa itong maging bagyo partikular na sa araw na ito,” pahayag ni Obed Badrian, weather specialist.
Aniya, ang LPA ay kumikilos sa bahagi ng Visayas at Mindanao na patuloy nilang binabantayan.