Bisexual ang mister | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

January 15, 2026 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Apat na taon na kaming kasal ng asawa kong afam. Pero minsan ay hindi sinasadyang nabuksan ko ang messenger account niya. La-king gulat ko na puro lalaki ang ka-chat niya na may mga malalaswang pictures ng mga lalaki.

Nadiskubre ko na isa pala siyang bisexual. Wala kaming anak dahil pareho na kaming nasa 52 years old.

Mahal ko ang mister ko, pero nag-aalala ko na baka magkaroon ako ng sakit na AIDS dahil sa chat nila ay nagsisiping sila ng bf niyang bisexual din.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Lexi

 

Dear Lexi,

Walang ibang paraan kundi kausapin mo nang masinsinan ang iyong mister. Sikapin mo na magawa ito nang walang galit para mangibabaw ang pang-unawa sa puso mo.

Tiyakin mo na mailabas ang nararamdaman mo tungkol sa kanyang gender preference at kung ano ang mga nasa isip mo tungkol sa inyong pagsasama. Hindi mo nabanggit kung kasal kayo o hindi.

Pero assuming na kasal kayo, komplikado ang magiging situwasyon.

Kaya pinakamabuti na tiyakin mo sa iyong sarili kung ano ang kalooban mo.

Matatanggap mo pa siya ba sa kabila ng lahat? Kung oo, makakabuti na mag-set kayo ng bounderies para mapangalagaan mo rin ang iyong sarili.

Dahil talagang malaki ang posibilidad na magkaroon ng Sexually Transmitted Diseases, kahit pa ng AIDS ang may maraming partner.

Pero kung hindi mo na kayang makisama sa kanya bilang asawa, sumangguni ka sa isang abogado para sa legal na proseso ng paghihiwalay ninyo.

Dr. Love