MANILA, Philippines — Patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa pangunguna sa karera ng mga tatakbong senador sa halalan sa Mayo, batay sa pinakabagong Arkipelago Analytics Senatorial Preferences Survey na isinagawa mula Marso 15 hanggang 21.
Nakamit ang 64 porsiyento ng mga botante, lalong tumibay si Go sa kanyang posisyon bilang nangungunang contender sa paparating na midterm elections. Si Go ay reeleksyonista sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino.
Ang decisive lead ni Senator Go sa Arkipelago poll ay bunga ng kanyang kasipagan sa trabaho at malalim na pakikipag-ugnayan sa mga nasa ibaba sa umpisa pa lamang ng kanyang termino sa Senado.
Kilala si Go sa kanyang direkta at “on-the-ground” approach na pagseserbisyo sa publiko kung kaya nakakuha siya ng malakas na suporta sa taumbayan sa buong bansa.
Binigyang-diin niya na ang kanyang trabaho sa Senado ay sumasalamin sa patuloy na misyon na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga ordinaryong Pilipino, partikular ang pangangalaga sa kalusugan, kabataan, palakasan, edukasyon, pagtugon sa kalamidad, kabuhayan at paglikha ng trabaho, seguridad sa pagkain at agrikultura, gayundin para sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa.
Ang Arkipelago Analytics survey results ay dagdag sa mga naunang tagumpay sa mga survey ng Publicus Asia Inc., Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia kung saan angat si Go.