Bong Go solido sa iba-ibang survey


MANILA, Philippines — Dahil sa solidong pagtitiwala at suporta na ibinibigay sa kanya ng taumbayan na ipinapakita sa iba’t ibang independent survey, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy niya ang pakikipaglaban o pagsusulong ng interes at kapakanan ng mga Pilipino, lalo ng mahihirap.

Si Go ay ­nananatiling matatag sa kanyang puwesto bilang isa sa frontrunner ng 2025 senatorial race, matapos siyang manguna sa pinakabagong Pulse Asia survey at ma­mantina ang pagiging isa sa “top choice” sa iba pang independent polls.

Sa Pulse Asia na isinagawa mula February 20-26, umakyat sa unahan si Go sa nakuha niyang 58.1% voter support—ang kanyang highest rating sa ­ngayon sa campaign cycle. Nagmarka ito ng malaki niyang pagtalon mula 50.4% noong January, kung saan ay nasa 2nd hanggang 3rd spot siya.

Umakyat din si Go sa February 15-19 survey ng Social Weather Stations (SWS) na nakaseguro ng ikalawang puwesto (38%), isang malaking improvement mula sa third-to-fourth place ranking noong January (37%) at December 2024 (32%).

Sa pinakabagong OCTA Research survey noong February 22-28, kumubra ng 62% si Go para sa ikalawang puwesto.

Sa Tangere pre-election poll nitong March 11 to 14, si Go ay statistically tied sa top spot sa nakubrang 54% voter preference.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Go sa taumbayan sa ­ibinibigay sa kanyang suporta at pagtitiwala.