Bubot na Bayabas (92) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

October 17, 2025 | 12:00am

  

Kinabukasan, nagpaalam na si Guava kay Apol.

“Kailangan ko nang pumasok sa trabaho, Apol. Ilang araw na akong absent.”

“Nagkasakit ka naman ‘di ba?”

“Marami pa naman akong tatapusing trabaho.”

“Baka mabinat ka. Bukas ka na pumasok. Ihahatid kita ngayon sa tirahan mo.”

“Naabala na kita nang todo, Apol.”

“Wala ‘yun.”

“Sabagay kung hindi ako nagkasakit hindi ko makikita ang maganda mong ugali.”

Napangiti si Apol.

“Halika kumain muna tayo, Guava. Luto na ang almusal.”

Kumain sila. Habang nag-aalmusal, ang babaing na­panaginipan ni Guava ang topic pa rin nila.

“Hindi pa rin ako makapaniwala sa napanaginipan mo.”

“Sana, mapanagipan ko uli ang babae at i-reveal na niya kung sino siya at bakit ako ang nagustuhan niyang pagpakitaan. Marami namang iba.”

“Sana nga kung mapa­panaginipan mo ang babae, itanong mo na ang lahat.”

“Oo Apol. Gusto ko matapos na ang ­misteryong ito.”

Napatango si Apol at nakita niya na gustong umiyak ni Guava.

(Itutuloy)