Buy Load on GCash: May load ka na, may libreng insurance ka pa!


Abot-kaya na ang pagiging protektado with Buy Load Plus Health Insurance

MANILA, Philippines — Pilang umaabot ng ilang oras para makabiyahe, paglalakad sa ilalim ng matinding init ng araw o di inaasahang buhos ng ulan, kakulangan sa tulog para mag-alaga ng pamilya—ganyan ang kayod na alam ng lahat ng Pilipino, bukod pa sa pagkayod sa mismong trabaho. Ngunit sa labis na pagtuon para kumita at matugunan ang mga pangagailangan, madalas na naisasantabi ang pag-alaga sa personal na kalusugan.

Bawal man magkasakit, hindi ito maiiwasan. Kapag hindi pinaghandaan, napupunta lang ang sinahod at kinayod sa pagpapagamot, pagpapagaling at pagpunan ng mga gastusin para sa mga araw na absent sa trabaho. Sa mga ganitong sitwasyon, health insurance ang pinakamabisang tugon para maprotektahan ang lahat ng naipundar para sa sarili at sa pamilya.

Maraming nag-aakalang komplikado at mahirap makakuha ng maayos na health insurance, pero ngayon, kaya pala magkaroon ng free health insurance sa tulong ng Buy Load sa GCash!

Sinong mag-aakala na sa bawat pa-load mo sa Buy Load—kahit anong network, kahit anong oras, kahit saan—makakakuha ka na ng free Health and Accident Insurance (underwritten by FPG Insurance)? Nagka-load ka na, nakakuha ka pa ng hanggang P30,000 coverage at mga karagdagang benefits nang walang abala.

Sa bawat pa-load ng Buy Load, ito ang mga makukuha mo nang libre mula sa GCash:

Accidental Death Benefit. Sa bawat load gamit ang Buy Load, makakakuha ka ng libreng P10,000 coverage para sa accidental death. Maaaring ipunin ang coverage na ito ng hanggang tatlong magkakahiwalay na eligible load purchase para magkaroon ka ng maximum coverage na P30,000.

Hospitalization Sweldo-Assistance. Kapag kailangang magpa-ospital dahil sa sakit o aksidente, maaari kang makatanggap ng P500 kada araw hanggang limang araw na sweldo assistance para pamalit-kita.

Disablement Benefit. Maaari ka ring magkaroon ng hanggang P10,000 disablement benefit kapag ang aksidente ay nagresulta sa pagkabaldado upang makatulong sa kawalan ng trabaho.

Mag-uumpisa ang libreng health and accident insurance sa araw na nag-apply ka ng load para sa sariling numero at matatapos ang coverage depende sa halaga ng load:

  • P1 — P65: 3 days
  • P66 — P150: 7 days
  • P151 — P450: 15 days
  • P451 and up: 30 days

Maaari ring ipunin ang accidental death benefits kapag nag-load ka ng tatlong beses hanggang sa umabot ito ng P30,000 bawat tao. Ang disablement/dismemberment at hospital confinement benefits naman ay mananatili sa coverage na hangggang P10,000 at hindi pwedeng ipunin kada load.

Paano makakuha ng free health and accident insurance kapag nag Buy Load sa GCash para sa sariling numero:

Sa GCash dashboard, i-tap ang “Load”. I-type ang GCash number — maiging gamitin ang GCash ng parehong numero na lalagyan ng load.

Pag eligible ka, makakakita ka ng “Free Insurance” box. I-check lamang ito para mag-opt in.

Pagkatapos mag load, may free health insurance ka na! Makakatanggap ka ng resibong nagsasabi na kumpirmado ang iyong load at ang health insurance na katumbas nito.

Tignan ang GCash app inbox at hanapin ang confirmation message na nagsasabing active na ang yong libreng Buy Load Plus Health Insurance. Maglalaman din ang message na ito ng importanteng dokumentong kakailanganin mo kung kailangan mong mag-file ng claim.

Eligible sa claims ang mga GCash user na Filipino citizen, foreign national na gumagamit ng Philippine local telco sim, 18-65 na taong gulang, at may fully verified GCash account. Hindi pwedeng ilipat ang insurance at mga benefits sa ibang tao, at ang coverage ay mag-aapply lamang sa taong bumili ng load gamit ang Buy Load feature sa personal na GCash account.

 

Maaaring ipadala ang claims sa FPG Claims Portal. Alamin ang karagdagang impormasyon sa https://new.gcash.com/services/ginsure/embed/load-plus-insurance

I-access ang Load sa GCash dashboard o hanapin ito sa loob ng “Pay”. Wala pang GCash? Mag-download na ng GCash App sa Apple App Store, Google Play Store o Huawei App Gallery.


Editor’s Note: Ang press release na ito para sa GCash ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar. com.