Philstar.com
September 15, 2025 | 6:57pm
MANILA, PHILIPPINES — Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nagyong Lunes, Setyembre 15, na si retired Supreme Court associate justice Andres Reyes Jr. ang itinalagang chair ng Independent Commission for Infrastructure.
Sasamahan siya sa komisyon nina dating Public Works secretary Rogelio Singson at SGV Country Managing Partner Rossana Fajardo sa imbestigasyon ng mga anomalous flood control projects at iba pang infrastructure issues sa bansa. Si Baguio City Mayor Benjie Magalong naman ang magsisilbing special advisor ng grupo.
Layunin ng komisyon na imbestigahan ang korapsyon sa mga imprastraktura sa nakalipas na dekada, partikular sa mga flood control projects na nagdulot ng kontrobersiya at galit ng publiko.
