Disyembre 21, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

December 21, 2025 | 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) –  Maisasakatuparan ang mga plano. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at gawin ang lahat sa makatuwirang paraan. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng buhay dahil aanihin ang itinanim. Ingatan ang health. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 28, 35 at sky blue.  

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung single, magkaka-love life ka na. Isang matagal nang sikreto ang malalantad sa marami. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 14, 18 at jade green. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Pag-usapan ang luma-labong relasyon. Hinahon ang kailangan para maresulba ito. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 31 at indigo. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Kung magiging positibo ang pananaw, maaa-yos ang takbo ng buhay. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 27, 36 at rose quartz. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga kagamitan. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 15, 37 at violet. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Umaayon ang panahon para pagtuunan ang kalusugan. Pag-aayos ng tahanan ang pagbabalingan ng atensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 31 at 39 at fuchsia. 

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Ang maririnig na kapintasan ng mahal ay walang katotohanan. Kaya dedma ka lang. Huwag magpuyat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 25, 36 at red. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Mauunawaan mo na hindi lahat ng ugali ay katulad sa sarili. Mapapako ang naipangako sa’yo. Lucky  numbers at color for the day ang 5, 12,. 28, 39 at pale yellow. 

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Magbibigay ng magandang kontribusyon ang ipinanganak sa ilalim ng Pisces o Virgo. Mag-ingat lagi. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 21, 36 at pink. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Iwasan ang magbalak na pumasok sa aktibidad na magastos. Suriin muna ang budget para hindi mapasubo. Lucky numbers at co-lor for the day ang 21, 24, 30, 39 at yellow. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Huwag iisantabi ang suliranin sa pera, dahil mababago ito kung patuloy na magsisipag. Lucky num-bers at color for the day ang 9, 17, 21, 23 at scarlet. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magkakaroon ng pagkakataon na kumita ng ekstra.  Naglalandas ang magandang oportunidad.  Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 21, 25 at bright yellow.