August 30, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO)ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga respondents na kinabibilangan ng negosyanteng si Charlie Atong Ang, aktres na si Gretchen Barretto, at retiradong si Police Lt. Gen. Jonnel Estomo, at 50 iba pa sa kaso ng missing sabungeros.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang mga ito ay pawang tinukoy ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan.
Tiniyak ni Remulla na sa oras na gumulong na ang preliminary investigation, maari rin aniyang hilingin ng Panel of Prosecutors ng DOJ ang isang precautionary hold departure order mula sa korte, upang pigilan ang mga respondent na umalis ng bansa hanggang matapos ang pagsisiyasat ng DOJ para sa probable cause.
Kinumpirma rin ni Remulla na nakalabas na ng bansa ang kapatid ni Ang na respondent sa kaso.
Una nang sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na natapos na ng prosecutors ang evaluation sa complaint at sisimulan na ang preliminary investigation.
Sisimulan na rin aniya ang pagpapalabas ng subpoena sa oras na matanggap na ang record ng kaso ng missing sabungeros. (