September 1, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nagbitiw na si Manuel Bonoan bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Bonoan na magiging epektibo ngayong Setyembre 1.
Sa kanyang resignation letter, nagpahayag ng suporta si Bonoan sa panawagan ng Pangulo para sa accountability, transparency, at reporma sa loob ng DPWH.
Itinalaga ng Pangulo si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong Kalihim ng DPWH.
Inatasan ng Pangulo si Dizon na magsagawa ng paglilinis sa buong departamento at tiyakin na ang pampublikong pondo ay ginagamit lamang para sa imprastraktura na tunay na nagpoprotekta at nakikinabang sa mamamayang Pilipino.
Upang matiyak na hindi mapuputol ang paghahatid ng serbisyo sa DOTr, itinalaga ng Pangulo si Atty. Giovanni Z. Lopez bilang Acting Secretary.
Ang pagbibitiw sa puwesto ni Bonoan ay isinagawa sa gitna ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects sa bansa.
