Duterte sumibat pa-Hongkong | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga ulat tungkol sa pagpapalabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC), nagtu­ngong Hongkong si da­ting ­Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa ulat, duma­ting sa Maynila ang da­ting Pangulo nitong Huwebes at nag-overnight sa Taguig City bago nagtungo sa airport.

Nabatid na sumakay si Duterte sa Cathay Pacific flight CX912 at umalis mula sa Ninoy Aquimo International Airport (NAIA) ng 8:41 ng umaga at dumating sa Hongkong ng 10:25 ng umaga.

Pinabulaanan naman ng dating chief presidential legal counsel ni Duterte na si Atty. Salvador Panelo ang ulat na tumakas ang dating pangulo.

Paliwanag ni Panelo,­ nasa Hongkong si Duterte para sa isang pagtitipon ng mga OFWs ngayong Linggo sa Southern Stadium sa Wan Chai.

Pasasalamatan aniya nito ang mga OFW sa patuloy na pagsuporta sa kanya at sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na iniimbestigahan ng ICC si Duterte dahil sa madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.