Emong lumakas, Signal No. 4 itinaas


MANILA, Philippines — Isinailalim na sa signal number 4 ang tatlong lalawigan sa Luzon matapos na lumakas pa nitong Huwebes ang bagyong Emong.

Ayon sa PAGASA, ­taglay ni Emong ang lakas ng hangin na 120 km per hour (kph) at bugso na 150 kph.

Si Emong ay inaasahang magla-landfall sa La Union, Ilocos Sur o Ilocos Norte ngayong Biyernes.

Nakataas ang signal no. 4 sa timog kanlurang bahagi ng Ilocos Sur; hilagang kanluran ng La Union; at hilagang kanluran ng Pangasinan.

Signal No. 3 sa kabuuan ng Ilocos Sur; kabuuan ng La Union; hilaga at kanlurang bahagi ng Pangasinan; katimugang bahagi ng Abra; kanlurang bahagi ng Mountain Province; kanlurang bahagi ng Benguet.

Signal No, 2 sa Ilocos Norte, kabuuan ng Pangasinan, kabuuan ng Abra, Apayao, Kali­nga, kabuuan ng Mountain Province; Ifugao, kabuuan ng Benguet, Babuyan Islands; hilaga at kanlurang bahagi ng mainland Cagayan; kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya at hilagang bahagi ng Zambales.

Samantala napanatili ng bagyong Dante ang lakas bago ang inaasahang paglisan nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).