January 10, 2026 | 12:00am
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung may nawalang gamit, walang ibang kumuha kundi kasamahan. Kung alahas o pera ang nawala, malabo nang maibalik. Kapag umalis ng bahay, huwag magsuot ng alahas o magdala ng malaking pera. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 30, 37 at dark blue.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Nasa tamang landas ng kaunlaran. kaya lang may pagka-”nega,” tantanan ito. Lucky numbers at color for the day ang 23, 37, 40, 45 at emerald green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Labanan ang pagkamagagalitin dahil hahadlangan ang suwerte. Mababayaran ng umutang. Lucky numbers at color for the day ang 29, 31, 38, 43 at oak brown.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Walang problema sa pag-ibig. Subalit bigyang pansin ang kapakanan ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 26, 33, 44 at light yellow.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Sipag at matinong pag-iisip ang puhunan para umunlad. Ang pagsasawalang bahala ay baguhin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 24, 38 at purple.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Ngayon makakatagpo ang soulmate. Kung sakali na muling tumibok ang puso, siya na ang prince charming mo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 25, 34 at peach.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Walang sigurado tungkol sa negosyo. Akyat- baba ang benta pero huwag mawalan ng pag-asa dahil makakabawi. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 32, 43 at red.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang pagbabyahe ay ipagliban muna. Dahil malapit ka sa aksidente. Kung ang trabaho ay sa labas, mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 28, 36 at pearl white.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may hinihintay, darating maliban ang tungkol sa pag-ibig. Para hindi magsisi, pag-aralan ang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 42 at lilac.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – May oportunidad na darating, kaya tiyakin na laging bukas ang linya ng komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 21, 29, 42 at tangerine.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Abala sa pinapasukan at maging sa tahanan. Mapapagod pero happy ka dahil marami ang matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 38, 40 at fuchsia.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung gipit sa pinansiyal, madaling matutugunan ng kamag-anak o kaibigan. Makakaasa ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 32, 42 at beige.