Enero 11, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 11, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – May mag-aalok ng trabaho pero magandang pag-aralan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihan na maidudulot. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Alam mong tama ka, pero huwag makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling problema. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Nasa kundisyon at handa kang harapin ang ano man. Magiging masayahin na halos lahat ay magulat. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) –  Ang tahanan ay mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makita. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at gold.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magtatagumpay sa nilalakad. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Dagdagan ang tiyaga at manalangin para makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magawa ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maging tapat. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at old rose.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan pero dapat tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 30 at silver.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Nasa tamang landas ng kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Ano mang paanyaya ay dapat tanggihan. Pag-aralan ng mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong na manumbalik ang enerhiya. Huwag maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon para iwasan ang peke. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.