Enero 18, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 18, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kumpitisyon sa trabaho ay magiging mahigpit pero kung may promosyon a, asahan na isa ka na sa kanila. May matatanggap na hindi inaasahang sulat. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal o payo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag maging ipokreto kung anuman ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang pagharap ng walang puwang na oras sa gawain ay hindi magbibigay ng katamlayan. Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 27 at lemon green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Ang taglay na kasipagan ang mabisang puhunan para makamtam ang kaunlaran. Huwagmawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may lalakarin, sa umaga gawain para maging tagumpay. Ang lahat ng aktibidad ay walang kapalpakan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Kailangan ang matibay na self-control sa sarili dahil may susubok ng iyong pagtitimpi. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 21 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang mga praktikal na gawain ay magbibigay ng kasiyahan at moral. Gawing balanse ang tungkulin at pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Para maging matagumpay sa trabaho, alamin ang lahat ng detalye. Kung may hindi nalalaman, magtanong. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Walang katiyakan ang panahon. Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya makisayaw sa tugtog. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at maroon.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Maaaring ngayon makamit ang inaa-sam-asam. Pero magiging sensitibo ka sa mga kaunting bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sikapin na ang lahat ng gawain ay matapos. Dahil mawawalan ito ng kabuluhan sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 18, 38 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na investment kaysa walang gawin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 24 at blue.