Enero 23, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 23, 2026 | 12:00am

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maraming gawain subalit kailangan ang pahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang sobrang pagpapagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May hindi pagkakaunawaan sa tahanan. Subukang ayusin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 at violet.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Ano man ang gagawin mo ngayon at sa mga susunod na araw, planuhin. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hindi maiiwasan ang argumento subalit maiiwasan ang mapa-away kung magiging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at jade green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Nasa maayos na kondisyon ang kalusugan. Walang puwang para magkamali. May magyayaya, dapat tanggihan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Mag-ingat sa gagawin. Tiyakin na hindi labag sa moralidad at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Isang magandang balita ang matatanggap. Pero papangit dahil sa paraan ng pagtanggap ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung gulung-gulo ka sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyon, makipagkalas hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino. Ngayon mapapagana ang imahinasyon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit dahil hindi siya para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 25, 30 at indigo.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain ay matapos. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung makakatanggap ng regalo ngayon, tiyak na magkakatuluyan kayo. Mag-ingat sa kaibigang Taurus. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 at lilac.