Enero 27, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 27, 2026 | 12:00am

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maging pipi’t bingi sa maririnig dahil kung papatulan may hindi magandang mangyayari. Tsismis sa paligid ay hindi maiiwasan, ngunit mailalayo ang sarili sa gulo kung dedma ka lang. Maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 36, 38 at ivory cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Nang dahil sa pag-ibig kung kaya ka masigla at masaya. Maaring mabaliktad ang ka-lagayan, kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 28, 29, 32 at beige.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag nang hintayin kung may kailangan, lumapit at sabihin dahil pakikinggan ka. Hindi lahat ng gusto ay makamit. Lucky numbers at color for the day ang 10, 16, 35, 39 at gray.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ang lumipas ay magiging batayan para hindi magkamali. Ang nakuha sa maling paraan ay mawawala. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 37 at lemon green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Maging masungit man ang panahon, magi-ging matiwasay naman ang trabaho at ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 28, 39 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung may lakad tungkol sa negosyo o personal, ituloy dahil may mapapala. Iwasan muna ang paanyaya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 31, 34 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang pagharap at pag-ganap ng buong puso sa gawain ay iwas puna lalo na sa boss. Mag-ingat sa traydor. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 28, 42 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Hindi magiging pabor ang panahon. Kung may pagkakataon, magpahinga dahil ito ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 22, 33 at ruby red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Naaayon ang panahon kaya kung anumang desisyon ang gagawin sa tahanan at sa trabaho ay ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 7, 24, 33, 44 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung taglay mo ang pagka-agresibo sa paghahanap ng trabaho, ngayon lakarin dahil hindi ka mabibigo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 38 at cream.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang sino man ang nakakaligtas sa prinsipyo ng karma. Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 27, 30, 41 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung ang bahid may ng pandaraya o hindi magandang gawain ang nasa isip, iwaglit dahil mabubuking. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 39, 41 at brown.