January 3, 2026 | 12:00am
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag patangay sa mga kompromiso, dahil kapahamakan ang naghihintay. Taglayin ang karunungan sa bawat pagpapasiya. Alalahanin na walang iba na gumagawa ng iyong kinabukasan kundi ikaw. Kung mag-aaral, harapin ng buong puso at tatag. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 26, 41 at orange.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maiiwasan ang problema tungkol sa pera at gastusin, kung aayusin mo ang iyong pagba-budget. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 21, 33 at ruby red.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan ang magsugal dahil tiyak talo ka hindi lamang sa pera, kundi panahon at pagkakataon pa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 31, 44 at maroon.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Dahil sa tagumpay sa buhay, kaiinggitan ka ng mga kakilala o mga ma-lapit sa iyo. Mag-ingat ka lagi. Magtatagumpay ka. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 29, 38 at cream.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan o mag-asawa, kung magiging mahinahon, maaayos. Lucky numbers at color for the day ang 18, 34, 42 at red.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – May susukat kung hanggang saan ang iyong pasensya sa tahanan o pinapasukan. Maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 29, 37 at brown.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung talagang labag sa loob, huwag mo gawin. Dahil mauuwi rin ang lahat sa panghihinayang at pagsisisi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 26, 28 at ivory cream.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Habaan ang pasensya. Huwag pairalin ang init ng ulo. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon. Pag-aralan muna. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Sa simula lang ang saya, dahil kalbaryo ang kahihinatnan ng pangangalunya. Kaya mag-isip-isip. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 36, 37 at lemon green.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kailangan mo ang matibay na paninindigan at lakas ng loob sa iyong napasukan upang magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 14, 35 at gray.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Hayaan muna na humupa ang tensiyon. Pag-aralan ang sasabihin para matiyak ang lahat ay nasa iyong panig. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 22, 39 at blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ikaw ang lalapitan dahil ikaw ang mapalad. Huwag ipagkait dahil gaya lang yan ng pagtatanim, na aanihin mo rin. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 31, 34 at yellow.