MANILA, Philippines — Todo suporta si dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla kay Cong. Stella Quimbo na ngayo’y tumatakbo bilang alkalde ng Marikina.
Sa isang video online, dinepensa ni Medalla si Quimbo laban sa mga patutsada tungkol sa kongresista na front-runner sa labanan sa pagka alkalde: “Matagal na siyang may pera—bago pa naging politiko.”
“She had money long before she became a politician,” ani Medalla. “Noong professor pa siya, maganda na ang consulting income niya—mas malaki pa sa sahod niya sa UP. Magaling kasi siya eh, respected sa field, kaya malaki ang kita.”
Dagdag pa ng dating BSP chief, hindi raw dapat gawing isyu kung maganda ang gamit ni Quimbo. “Hindi masama para sa isang tao to have a few luxuries now and then. The fact na maganda ang bag niya should not be taken against her.”
Pinuna rin ni Medalla ang dobleng pamantayan sa pagtingin ng publiko sa mga babae. “I find it very sad that kung lalaki may bling-blings at magandang relo, walang tanong. Pero pag babae may magandang bag, issue agad. As far as I know, her integrity is quite high. I’m almost 100% sure kinita niya ’yon.”