Philstar.com
September 3, 2025 | 4:29pm
MANILA, Philippines — Inilahad na tumanggap ng nasa P30 milyong donasyon si Se. Chiz Escudero galing kay Centerways Construction and Development Inc. president Lawrence Lubiano para sa sa kanyang kampanya noong 2022 elections.
Sa pagdinig sa Kongreso, sinabi ni Lubiano na batid niya ang partisipasyon ng kanilang pamilya sa bidding ng flood control projects mula pa noong 2009 at tinatayang nasa 80 proyekto na bilyon ang halaga ang napanalunan ng Centerways mula 2022 hanggang 2025.
Kabilang ang Centerways Construction sa 15 pangunahing kontratista na nakakuha ng flood control projects sa unang bahagi ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Lubiano, karamihan sa mga proyekto ng kanilang kumpanya ay nasa Sorsogon at tinatayang nasa 30 ang kanyang natatandaan, ngunit sinabi ni Rep. Chel Diokno na nasa 50 hanggang 53 kontrata ang nakarekord sa Sumbong sa Pangulo portal. — Base sa report ni Dominique Flores
