Flood control scam nangyari sa Duterte admin — Chua


Joy Cantos — Pilipino Star Ngayon

September 3, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Nabuking sa pagsisimula ng imbestigasyon ng House Infra Comm na nangyari ang multi-bilyong scam sa flood control program ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at kuwestiyonableng insertions ng bilyong pondo sa ilalim ng administras­yon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, chairman ng Committee on Good Government and Public ­Accountability at co-chair ng Infra-Comm.

Ayon kay Chua, ang kontrobersya ay hindi ipinanganak ng isang gabi lamang kundi natukoy na mahabang panahon ng praktis sa budget insertions sa panahon ng termino ni dating pangulong Duterte na lumikha ng matinding anomalya na pinalulusot at hindi na sinusuri.

“Noong 2017 pa lang, nagsimula nang maglabasan ang mga babala. Sunud-sunod ang mga ulat ng COA mula 2017 hanggang 2020 na naglantad ng ilang libong proyektong delayed, depektibo, o tuluyang hindi naipatupad  na nagkakahalaga ng daan-daang bilyong piso,” ani Chua at maging ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ay ini-report na rin ang anomalya noong 2018.

Target ng Infra Comm na unahin sa imbestigasyon ang P55 milyong ghost projects sa Bulacan na ininspeksiyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.