November 4, 2025 | 12:00am
Ginampanan ni Gabbi Garcia ang karakter ni Theresa sa international film na Prisoner of War. Isang nurse noong World War II ang binigyang-buhay ng Kapuso actress sa naturang 2025 American martial arts war film. “Actually, now showing abroad. Hopefully ma-stream na siya sa Philippines. I’m so happy and thrilled to be working with Scott Adkins,” nakangiting pahayag ni Gabbi sa 24 Oras.
Isang malaking karangalan para sa dalaga na makagawa ng isang makabuluhang pelikula na bahagi rin ng kasaysayanng Pilipinas. “It’s also (about) the death march here in Bataan. It’s such a big deal in our country. Hopefully mapanood din siya dito sa pilipinas,” dagdag pa ng Kapuso actress.
Elijah at Jerom, healthy ang competition
Namamayagpag na rin sa paggawa ng iba’t ibang proyekto ang nakatatandang kapatid ni Elijah Canlas na si Jerom Canlas. Isa ang kuya ni Elijah sa mga bida ng Bar Boys the Musical na mapapanood hanggang November 23 sa Hyundai Hall at Arete ng Ateneo de Manila University. Kahit parehong aktibo sa pag-arte ang magkapatid ay wala naman umanong problema ito kay Elijah. “We’re used to it, ever since we were young. Kasi one year lang age gap namin. We grew to be very competitive, not just with arts but even with sports. Ngayon, siyempre tumanda na kami, may maturity na. There’s a healthy competition,” makahulugang pahayag ni Elijah sa push.com.
Matatandaang mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang bunsong kapatid nina Jerom at Elijah na si JM Canlas. Para kay Elijah ay talagang sila na lamang ng kuya Jerom niya ang nagsusuportahan sa kanya-kanyang mga ginagawa. “I love that guy. That’s my brother. Nawalan na kami ng isang kapatid eh. He’s the only one I have now, and sobrang bilib ako sa kanya. Lahat ng projects na ginagawa ko, lagi ko siyang tinatanong. I always ask for his input and his suggestions and his opinions. Kasi matalino siya and he really has a creative mind,” paglalahad ng aktor.
Proud na proud si Elijah para sa kanyang nakatatandang kapatid pagkatapos na mapanood ang Bar Boys the Musical kamakailan. “My brother is part of the four main boys. He plays Torran, and I couldn’t be any prouder of him. I know how hard they all worked for this, and sobrang successful. I mean people loved it and punung-puno ‘yung Hyundai Hall,” pagtatapos ng binata. (Reports fom JCC)
