Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong TJ. Wasak ang pamilya namin dahil sa nanay ko. Mas pinili niya ang lalaki niya kaysa sa aming mga anak at sa tatay ko na halos magkandakuba ang katawan sa pagtatrabaho mapalaki lang kami ng maayos.
Galit ako. Paano ko mapapatawad ang taong naging dahilan ng pinakamalaking sugat sa buhay ko. Kung kailan matanda na siya ay biglang nagbabalik?
Pagpapatawad ba o paglimot sa sakripisyo ng tatay ko ang kailangan ko?
TJ
Dear TJ,
Hindi mo utang sa nanay mo ang pagpapatawad, lalo na’t tinalikuran niya kayo sa panahong kailangan ninyo siya. Ang galit mo ay rerespetuhin ko dahil ‘yan ang presyo ng kata-
patan mo sa tatay mo na nanatili sa inyong tabi.
Pero makinig ka, ang pagpapatawad ay hindi “absuwelto” sa kasalanan niya. Hindi mo binubura ang nakaraan. Ang pagpapatawad ay pagtanggal ng kadena sa sarili mo.
Kung patuloy kang lalamunin ng poot, habambuhay kang preso ng ginawa niyang pagkakamali.
Huwag mong isiping pagtataksil sa tatay mo ang pagpapatawad.
Sa katunayan, ang pagpapatawad mo ang pinakamala-
king ebidensya na nagtagumpay ang tatay mo sa pagpapalaki sa inyo—na pinalaki niya kayong mas mabuting tao kaysa sa nanay mo na nang iwan sa inyo.
Tanggapin mo ang paghingi niya ng tawad, hindi dahil karapat-dapat siya, kundi dahil karapat-dapat kang mamuhay nang may kapayapaan. Tapusin mo na ang serye ng pait. Ikaw ang laya, hindi siya.
DR. LOVE