Governor Guico ibinida mga napahusay na serbisyo sa kanyang ika-3 SOPA


MANILA, Philippines — Mariing pinasalamatan ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang may 3.2 milyong Pangasinense sa kanilang suporta sa pagtataguyod ng ibat ibang mga programa sa lalawigan.

Sa kanyang ika-tatlong State of the Province Address (SOPA), sinabi ni Gov. Guico ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat isa sa pagkakamit ng mga accomplishment bilang ama ng lalawigan.

Sa kanyang termino napasigla ni Gov. Guico ang turismo, agrikultura, kalusugan, edukasyon, peace and order, infrastrature, environment, livelihood development, investment, employment,social services at disaster risk reduction.

Tampok sa tagumpay ni Gov. Guico ang mga legacy projects at serbisyong medikal na Government Unified Incentives for Medical Consultation (GUIconsulta).

Sinabi ni Guico na isusulong niya ang programang pangkalusugan para mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pangasinense.

Higit pa anyang palalakasin ang produksyon ng asin kasabay ng paggamit dito sa pagpapasigla ng turismo sa lalawigan.