Hatol sa hiling na paglaya ni Duterte, sinuspinde ng ICC


MANILA, Philippines — Pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang kahili­ngan ni ­dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang paglalabas ng desisyon para sa kanyang apela na pansamantalang paglaya.

Sa 5-pahinang desisyon na inilabas noong Miyerkules ng gabi (oras sa Maynila) pumabor ang mayorya ng mga judges sa kahilingan ng depensa na suspendihin ang pagdedesisyon sa interim release ni Duterte.

Nauna rito, hiniling ng defense team sa ICC Pre-Trial Chamber na ipagpaliban muna ang desisyon sa pansamantalang paglaya ng dating pangulo “until such time as the Defence has assembled all information necessary.”

Napaulat na hindi sumang-ayon sa desisyon si Judge María del Socorro Flores Liera sa ruling na napagkasunduan nina presiding Judge Iulia Antoanella Motoc at Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou.

Nauna rito, ­hiniling ng prosekusyon sa chamber na huwag pagbigyan ang kahilingan ng mga abogado ni Duterte.