Philstar.com
September 9, 2025 | 1:16pm
MANILA, Philippines — Inamin ni dating Assistant District Engineer Brice Hernandez sa House flood control probe na siya ang naging bagman nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva.
Bago ito, tinanong muna siya ng House Infra Committee kung paano pinapatakbo ang district engineering office ng Bulacan sa ilalim ng sistemang may kickback.
Matatandaang sinabi ni Syms Construction Trading general manager Sally Santos na mahigit P1 bilyong cash ang kanyang dinala sa opisina ni Hernandez simula 2022 para sa dating district engineer na si Henry Alcantara.
Kinumpirma ni Hernandez na ang pagtanggap ng pera ay utos lahat ni Alcantara, na tinukoy niya bilang “chief implementor” at direktang nakikipag-usap sa mga politikong sangkot. — Base sa report ni Dominique Flores
