Hunyo 25, 2025 | Pilipino Star Ngayon


CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Isipin na lamang na kaya masaya ang minamahal ngayon ay dahil sa naging mapagparaya ka at hindi naging makasa-rili. Huwag mangamba dahil ang lahat ng ito ay kanyang nakikita at nadarama. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue. 

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan ang maging agresibo, dahil sa halip na mapapalapit ang loob ng minamahal ay lalong lalayo sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 36 at blue gray. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag hayaang ma-ging katatawanan ng lahat, ang pagiging kakaiba ay dahilan maging sentro ng usap-usapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at off-white. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Pagbigyan ang kahi-lingan ng nakakarami. Ito ang tanging paraan para maiwasan ang samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maging maingat sa mga salita ng hindi mapahiya sa kapwa. Pero huwag damdamin, dahil makakabawi ka rin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at old rose. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Problemado man, makikilala ang tunay na mga kaibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na para maging happy ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaram-dam ang sinasabi sa iyo. Huwag magkimkim ng hinanakit. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35,42 at yellow orange. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magiging masaya ang susunod na mga araw. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa at hindi sa salita. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at pale yellow. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Isiping mabuti ang dapat gawin. Lalo lamang makakasama sa binabalak ang mga desisyon na walang katuturan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag mainis kung magiging makulit ang mga nakapaligid sa iyo. Nais lang nilang nasa maayos ka. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at oak brown. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hayaang maramdaman ng minamahal ang pagiging maalalahanin mo. Maging natural. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at white. 

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Sa bawat araw na nagdaraan, makakaramdam ng pagkainip. Ito ang tamang panahon na gawin ang balak. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 41 at baby pink.