Dear Dr. Love,
Sobrang love ko ang aking girlfriend, kaya kahit local seaman lang ako rito sa ating bansa, lahat ng suweldo ko ay ipinagkatiwala ko sa kanya.
Pero nabisto ng nanay ko sa fb account ng girlfriend ko na may iba siyang kasama. Ipinagtanggol ko pa ang girlfriend ko sa nanay ko, pero lumabas din ang totoo na may ibang boyfriend na siya.
Nahihiya akong umuwi ngayong Hunyo dahil wala akong maibibigay na pera sa nanay ko. Hindi ko naman nabawi sa ex- girlfriend ko ang pera dahil mahirap lang din sila.
Ang nakakatawa pa, ‘yung ermat niya ay nangungutang sa akin ng pera. Hindi ko na sinagot dahil gusto kong sa anak niya manggaling na wala na kami.
Ngayon lang ako nagka-girlfriend na ipinagpalit pa ako sa iba, dahil hindi raw niya kaya ang LDR, pero sana hindi niya inubos ang pera ko ‘di ba?
Jakob
Dear Jakob,
Magsilbing aral sana sa iyong ang una mong relasyon.
Kung manliligaw ka ulit, tanungin mo agad kung kaya niyang magtiis na magtrabaho ka sa barko at malayo sa piling niya.
Sa isang banda, magandang aral din ang nangyari sa iyo.
Dahil maaga pa lang ay nakilala mo agad ang ugali ng ex- girlfriend mo. Matuto ka rin na huwag ibibigay ang lahat ng suweldo sa hindi mo pa naman misis.
Dr. Love