Kaalyado ni Trump na si Charlie Kirk, patay sa pamamaril sa Utah


Philstar.com

September 11, 2025 | 2:52pm

MANILA, Philippines — Pinatay sa pamamaril si right-wing youth activist at influencer Charlie Kirk, pangunahing kaalyado ni dating US President Donald Trump, Nitong Miyerkules, September 11, sa isang umano’y “political assassination” sa Utah.

Kumpirmado ni Trump sa Truth Social na pumanaw si Kirk, 31, matapos tamaan ng bala habang nagsasalita sa Utah Valley University.

Ayon sa FBI, nagmula ang bala mula sa bubong ng campus at isang nakaitim na suspek ang itinuturing na responsable, na agad ding naaresto.

Inatasan ni Trump na ibaba sa half-staff ang mga watawat sa mga gusali ng gobyerno hanggang Linggo bilang paggalang kay Kirk.

Tinawag naman ni Utah Governor Spencer Cox ang insidente na isang trahedya para sa bansa at nanawagan na iwasan ang karahasang pulitikal. — Base sa report ng Agance France Presse