Kasal o hiwalay? | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love, — Pilipino Star Ngayon

February 11, 2026 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Pareho na kaming graduate ng boyfriend ko. May maganda na rin kaming work. Ang challenge ay gusto na niyang magpakasal kami. 

Pero kailangan ko pang mag-aral ng law dahil pangarap kong maging abogado. Ang banta ng boyfriend ko, na kung hindi raw kami ikakasal ay maghiwalay na lang kami dahil hindi na raw siya makapaghihintay pa. 

Ayaw ko naman magpakasal dahil gusto ko munang magtapos ng abogasiya. Nanghihinayang man ako sa 10 years naming relasyon, wala akong magagawa. 

Tama ako, ‘di ba?

Glam

Dear Glam,

Naniniwala ako na walang hindi madadaan sa mabuting usapan. Subukan mong mag-set ng time para makapag-usap kayo nang masinsinan ng boyfriend mo. ‘Yung hindi nagmamadali at may pokus. Sikapin mong paliwanagan siya, baka sakaling magbago pa ang isip niya. 

Kung tunay na mahal ka niya, naniniwala akong makapaghihintay siya. 

Maaaring nasabi lang niya na hindi na siya na makakapaghintay dahil natatakot siya na baka ‘pag nakatapos ka na ng law ay hindi matupad ang plano ninyong magpakasal. 

Pero kung desidido ka na sa desisyong mong talikuran ang 10 years na relasyon ninyo, nasa iyo ang desisyon. Importate rin ang kahandaan para sa kinabukasan. Sa bandang huli, nasa iyong kalooban o konsiderayon kung ma-

ngingibabaw ang pa-ngarap mo o ang boyfriend mo? 

Dr. Love