Dear Dr. Love,
Marahil, aakusahan mo akong desperadang makapag-asawa dahil hindi ko na ginamit ang isip ko sa pagpili ng mapapangasawa kahit batid ko na ang puntirya lang ay ang aking kayamanan.
Ipinanganak akong kulang sa ganda. Diretsahin ko na, napakapangit ko. Kaya sa edad na 31 ay hindi ako nakapag-asawa dahil takot yata
sa kapangitan ko ang mga lalaki.
Ang tanging asset ko lang ay ang suwerte ko sa pagnenegosyo, dahilan para maging milyonarya ako.
Real estate broker ako at dahil dito dumami ang lupain ko at nakapagpatayo ng mansion.
For the first time may nanligaw sa akin na guwapo at bata sa akin ng walong taon. Hindi ko na pinakawalan at agad kaming nagpakasal.
Iresponsable siya at napansin kong mabilis maubos ang aming joint account.
Naibenta rin niya ang isa naming luxury car na hindi ko alam.
Nagsisisi ako. Puwede ko bang ipa-annul ang kasal namin?
Frida
Dear Frida,
Kung puwede mo siyang pagsabihan na magsinop sa inyong kayamanan, gawin mo. At kumbinsihin mo siyang magbago.
Kung hindi siya magbago, doon mo ikonsidera ang paglusaw sa bisa ng inyong kasal.
Sa palagay ko, strong ground ang inuugali niya sa pagpapawalang-bisa ng inyong kasal.
Kung hindi siya titigil sa pagkabulagsak, madaling mauubos ang mga naipundar mong salapi at ari-arian. Huwag mo siyang sasanayin sa maluhong buhay.
Dr. Love