Lady rider, patay sa dump truck


Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

February 19, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang lady rider nang masagasaan ng isang dump truck sa Ermita, Manila kahapon ng umaga.

Kaagad na binawian ng buhay ang 21-anyos na biktima, na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad, bunsod ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Samantala, hawak na ng mga pulis ang driver ng truck na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-6:00 ng uma­ga nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Roxas Boulevard.

Galing umano sa Nueva Ecija ang truck, na kargado ng buha­ngin, at patungo sana ng ­Ca­vite nang maganap ang aksidente, na nag­resulta sa pagkaipit ng katawan nito sa pagitan ng gulong mga truck.

Inabot pa umano ng alas-9:00 ng umaga bago tuluyang naialis ang bangkay ng biktima sa pagkakaipit kaya’t nagdulot din sa pagbibigat ng daloy ng trapiko sa lugar ang pangyayari.