Dear Dr. Love,
Ako po’y 38 years old na at dalaga pa rin hanggang ngayon. Naranasan ko nang ma-in love at mabigo. Lagi na lang akong niloloko ng mga nakarelasyon ko.
Madalas, napapaisip ako…dahil simple lang po ang aking pangarap—‘yun ay ang magkaroon ng sariling pamilya. Pero bakit po ganoon? Sa hhuli, nauuwi akong luhaan.
Hindi namanako yung tipong demanding. Dahil sa lahat ng bagay ay payak lang naman ako at hindi mahilig sa luho.
Hindi rin po ako naghahangad ng karangyaan, dahil mas mahalaga sa akin ang maramdamang mahalaga ko sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras para sa akin.
Pero bakit po kaya maraming lalaki ang manloloko, mapagsamantala, nagpapanggap na walang asawa o girlfriend at ayaw ipakilala ang tunay nilang pagkatao?
Ngayon po ay may nagpaparamdam sa akin. Gusto ko na siyang sagutin kaso natatakot ako na mabigo muli.
Elsa
Dear Elsa,
Kung madalas kang nabibigo sa relasyon, tanungin mo rin ang iyong sarili. Minsan hindi lang sa ka-partner ang problema,baka meron din issue sa side mo. Maalagang matukoy mo ito at baguhin.
Sinasabi mong maraming lalaki ang manloloko. Pero hindi ba’t may kasabihan din tayo na walang manloloko kung walang nagpapaloko? Kaya sa susunod na magkaroon ka ng ka-partner sa buhay, maging matalino ka na. Kilalanin mong mabuti at huwag agad padala sa dikta ng puso.
Dr. Love