LPA nagbabantang maging bagyo | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Isang low pressure area (LPA) ang patuloy na binabantayan ngayon ng PAGASA dahil sa bantang maging ganap na bagyo ito sa susunod na araw.

Sa latest monitoring ng weather bureau, ang LPA ay namataan kahapon ng umaga sa layong 240 ­kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Oras na ang LPA ay maging isang ganap na bagyo ay hindi naman ito magla-landfall sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, ito umano ay magpapalakas sa habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa bansa.

Ang LPA at habagat ang magdudulot ng mga pag-ulan sa Central at Southern Luzon gayundin sa Visayas at Mindanao sa susunod na mga araw.